A tale of two haughty hotties.
Tungkol ito sa dalawang young actor na kinabubuwisitan ng kanilang mga gymmates at churchmates respectively.
Miyembro ng isang kilalang fitness center si Actor A na kung umasta raw sa loob nito’y walang kakilala.
He hardly smiles at his peers, worse, dedma lang ito kapag may nababangga o nasisiko.
Wala itong iniwan sa ugali ni Actor B whenever he goes to mass. Sa parte kasing nagpapalitan ng “Peace be with you” ang mga churchgoers sa kanilang mga katabi o nasa likod, ni hindi raw matingnan nang diretso ni Actor B ang mga ito.
Once, sa kanyang paglabas sa simbahan ay nadaanan niya ang isang grupo ng mga choir members na nag-eensayo. Korus din siyang binati ng mga ito, pero mistulang walang narinig si Actor B.
Sa halip ay dire-diretso raw ito sa kanyang sasakyan, and off he sped.
Da who sina Actor A at Actor B na itinuturing na “most hated celebrities” in public ng mga nagdyi-gym at nagsisimba?
Ang isa’y napabalitang nakabuntis ng aktres, samantalang ang isa’y pangarap yatang maging aktres na gustong magpabuntis.
q q q
NABABAHIRAN ng pagdududa ang latest Pulse survey ratings among the senatoriables, kung saan pumapangatlo si dating SAP Bong Go samantalang ang mga batikang mambabatas who have previously served are way below.
Pero mas gusto naming “pagtripan” ang puwesto nina Imee Marcos at dating Sen. Juan Ponce Enrile whose ranking ay lampas sa Top 12, at milagro ang kailangan for both of them to inch their way up.
Sayang, may recall pa naman ang kanilang respective political ads. “Keri ‘yan!” ang battlecry ni Imee habang “Gusto ko happy ka!” naman ang catchline ni Manong Johnny.
Marking the 36th anniversary of Martial Law ay ginunita nating mga Pinoy ang petsa ng proklamasyong ‘yon, even dramatizing its atrocious effects sa mga naging biktima nito.
Kapwa pinaghihingi ng sorry ng bayan ang mga kaanak ng mga pangunahing arkitekto ng Martial Law: si Imee bilang anak ng dating Pangulo who declared it at si Enrile whose stll-retentive memory despite his age ay tanda pa rin ang mga kaganapan noon.
But as far as Imee and Johnny were concerned, wala raw dapat ihingi ng sorry. Ni hindi nga nila maamin na nagkaroon ng karahasan at pagbuwis ng buhay noong panahong ‘yon, neither were there anti-Marcos citizens arrested.
Ang “laglag spot” ng dalawang senatoriables na ito clearly speaks for itself. Ang kanilang selective amnesia is what makes them lag behind sa survey, and probably down the line in the days or weeks to come.
Sorry, Imee, hindi mo keri ang hinihingi mong puwesto. Sorry rin, Manong Johnny, kayo lang po yata ang happy while the rest of the nation wears a sad emoji.
Kahit magpaka-millennial pa sina Imee at Johnny in trying to win youth votes, ang Martial Law—bagama’t naka-tokong pa ang kanilang mga magulang—is being taught in school.