Matet kay Ate Guy: Mahal na mahal niya kami at mahal din namin siya


NILINAW ni Matet de Leon na ‘di true na ‘di sila okey ng kanyang mommy at Superstar na si Nora Aunor pero inamin niya na hindi talaga sila nagkikita at nagkakausap ng kanyang Mama Guy. Busy daw siguro ang Superstar.

“Taliwas sa mga sinasabi ng iba na may problema, okey kami. Right now, bina-bash kami ni Ate Lot (Lotlot de Leon) tungkol diyan, e. Wala, e. Ayaw ko lang siyang i-ano kasi wala, e,” lahad ni Matet.

Hindi matiyak ni Matet kung October last year or two years ago pa nu’ng huli silang nagkita ni Ate Guy.

“Hindi kasi kami ganoon, e, ‘yung usap nang usap kahit sa social media. Hindi kami ‘yung update nang update. Pero kapag nagkita kami si Mommy mamaya diyan, parehas lang,” lahad ni Matet.

Kaya lang when we asked her kung bakit wala si Ate Guy sa wedding ni Lotlot, hindi masagot ni Matet. Wala rin siyang masabi kung true ba na may sama ng loob si Lotlot kay Ate Guy.

For the record wala raw talaga silang problema sa kanilang Mama Guy.

“Wala po. Hindi lang kami ‘yung pamilyang kagaya ng iba na piktyuran nang piktyuran. Dahil ayaw ng nanay kong magpapitkyur sa amin. Hindi niya type. Baka magalit pa ‘yun,” aniya pa.

Ang ikinaiirita ni Matet ay ang bashers nila ng kanyang Ate Lot sa social media. Nasaktan daw siya sa mga sinasabi sa kanila ni Lotlot.

“Pinakana-hurt ako ‘yung walang utang na loob. Oo, kasi parang hindi ako ‘yung walang utang na loob. Alam kong ampon kami. Kung wala si Mommy, wala kami dito. Alam na alam namin ‘yun and very grateful kami kay Mommy dahil kung hindi dahil sa kanya hindi kami lalaki ng maaayos, e. Hindi kami magiging magkakapatid, e,” say niya.

Madiin pa niyang sinabi na hindi sila ingrate ni Lotlot, “Hindi kami (yung) walang utang na loob. Hindi lang kami ‘yung ganoong pamilya na showy lalo na sa Instagram. Kasi wala namang Instagram ang Mommy ko, e. So, saan ko siya ita-tag?”

Pinapatulan daw ni Matet ang mga basher, “Lagi, araw-araw. Oo, nakikipag-away ako sa kanila. Bored ako, e. Wala ako minsan magawa, ‘Papatulan ko siya.’ Ganoon ako. Ang ending, tumatahimik siya.”

Tiyak ni Matet na wala silang problema ng kanyang Mama Guy.

“Ang pagmamahal ni Mommy para ‘yang hangin. Hindi mo nakikita pero nandiyan lang. Oo, mahal na mahal niya kami. Mahal na mahal din namin siya.

“Hindi namin kailangan ang approval ng anyone else especially mga Noranians. Kasi ‘yung Noranians talaga na totoo, kilala kami,” pahayag pa ni Matet.

Feeling ni Matet this so-called “Noranians” ang bashers nila ni Lot, “Pero ‘yung totoo na Noranians, kaibigan namin sa Facebook. Nakakausap namin. Alam namin. Kaya sana, e, huwag na makikialam masyado kung wala namang alam,” mensahe ni Matet.

Kabilang si Matet sa bagong daytime serye ng Kapamilya network, ang Nang Ngumiti Ang Langit bilang misis ni Kempee de Leon. Si FM Reyes ang direktor nito sa ilalam ng unit ni Direk Ruel S. Bayani na magsisimula sa Lunes, bago mag-It’s Showtime.

Read more...