NGAYONG gabi, mapapanood sa isa na namang pasabog na episode ng The Boobay And Tekla Show ang bagong segment na “Feeling the Blank.”
Dito, makakasama nina Boobay at Tekla ang Kapuso hunk actor na si Rayver Cruz kung saan kailangan niyang sagutin ang mga controversial and naughty questions.
Totoo nga bang bakla ang isa sa mga kasama niya sa musical variety show ng GMA na Studio 7? Nagsasama na nga ba sila ng taong nag-influence sa kanya na lumipat sa GMA? Ilang taon nga ba siya nang matutong gawin ang isang bagay na madalas ginagawa ng mga boys?
Dapat n’yo ring abangan ang ang kanyang sexy dance interpretation sa kanta ni JK Labajo na “Buwan”.
Bukod diyan, Boobay and Tekla will take us back to the ‘90s as they perform a Backstreet Boys medley sa opening ng TBATS.
Sa “Pranking In Tandem,” makikipagsabwatan ang Kapuso comic duo sa veteran actress na si Marissa Delgado kung saan isang caregiver naman ang magiging “biktima” nila.
At ngayong Sunday night, tutukan ang isa na namang nakakalokang segment ng “Dear Boobay And Tekla.”
Sa pag-iikot naman ng TBATS sa isang lugar sa Metro Manila, ipasasagot nina Boobay at Tekla sa ating mga kababayang nasa kalye ang tanong na, “Kapag naliligo, anong parte ng katawan ang pinakamatagal mong sinasabon?”
Siguradong magsisisi kayo kapag pinalagpas n’to ang episode tonight ng The Boobay And Tekla Show pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.