TOTOO bang hiwalay na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco? ‘Yan ang tanong ng mga fans ng MelaSon matapos kumalat ang tsismis na may pinagdaraanan ngayon ang mag-asawa.
Sa panayam ni Darla Sauler, inamin ni Melai na may mga problema silang inaayos ni Jason pero hindi sila hiwalay.
“Ang totoo sa Melason is hindi ko talaga masasabi na okay, hindi ko rin masabi na hindi kasi normal sa mag-asawa ang magkaroon ng trouble,” aniya. “Normal naman sa mag-asawa ang magkaroon ng problema kasi walang perfect na marriage, walang perfect na relasyon.”
Dagdag pa niya, “Ang masasabi ko talaga is we are in the state of calamity.”
Mensahe pa ng TV host-comedienne sa supporters ng MelaSon, “‘Wag kayong malungkot siyempre mag-asawa na kami walang makakabuwag.
“Hindi inaayos ‘yun dahil sa endorsement, hindi ba pwedeng inaayos dahil sa mga bata?” ang depensa pa ni Melai sa hiwalayan issue.