Ipinalabas na ang ilang episode ng Bagman nitong nakaraang Miyerkules at base sa mga nabasa naming komento mula sa mga nakapanood nito, talagang puro papuri ang ibinigay nila kay Arjo at sa buong production ng serye mula sa Dreamscape Digital at Rein Entertainment.
Gumaganap siya rito bilang si Benjo Malaya, isang ordinaryo ngunit madiskarteng barbero na walang ginawa kundi kumayod para sa pamilya.
Pero biglang mababago ang simple at tahimik niyang buhay dahil sa pagdating ng mga taong magpapahamak pala sa kanya.
Sa panayam kay Arjo, abot-langit ang pasasalamat niya sa Dreamscape at Rein, “Another team that will surely sore high in making this amazing scripts. I’m excited for all your concepts and for all your movies as well.
“I’m thankful for giving me the opportunity to this crazy wild script that I ever read, so I’m very very thankful. I guarantee you guys it is something else, something crazy and we’re opt to start. The story is gonna blow your mind,” pahayag pa ng binata.
Kahit ang mga co-stars ni Arjo sa Bagman ay saludo sa galing ng aktor sa nasabing action digital series, lalo na ang veteran actor na si Raymond Bagatsing. Puring-puri rin niya ang team nina Direk Lino Cayetano, Philip King at Direk Shugo Praico dahil sa ganda ng Bagman.
“Ang galing ng team nila. Ang galing ng writing nila. Lagi silang nagre-revise to better really present the film. Ang tingin ko rito kasi parang pang-Hollywood. Panglaban sa Netflix. Kaya natin! Very intense ang film talagang pinag-isipan. Pati mga shot talagang magaling aside from the actors,” sey ni Raymond.
Ayon naman sa writer-direktor ng serye ng si Shugo, “Kung bibigyan ko si Arjo ng rating, 10. Kasi he’s so perfect for the role. ‘Yung range po kasi, ‘yung kuwento po namin, ang structure po niya jumping from one timeline to another, so ‘yung sa simula innocent guy tapos bloodied na. So patalon-talon ‘yung story. So ‘yung range niyon sobrang kailangan ang kalibre at galing ni Arjo.”
At kung nabitin kayo sa unang anim na episode ng Bagman sa iWant, mapapanood na sa March 27 ang tatlo pang episodes, at sa April 3 naman ang last three episodes.