Ethel kay Misuari: Tumakbo ka na lang hindi yung mananakot pa!

ETHEL BOOBA

NAG-REACT si Ethel Booba sa pahayag ng Muslim leader na si Nur Misuari na gusto niyang maging federal na ang ating gobyerno.

“Gusto pala ni Misuari na magconvert tayo sa Federalism eh bakit hindi sya tumakbo sa Senado para makatulong sya sa pagpapasa nito at hindi yung mananakot siya. Charot!” came Ethel’s reply.

Siyempre pa’y nag-react ang kanyang Twitter followers.

“Ginawang bumbay si Misuari panakot sa mga bata. Tulog na anak nandyan na ang bumbay!”

“Di po siya pwede tumakbo, mapapagod po.”

“Another point na wala kay @MochaUson_ at @srsasot.”

“Gusto lang niyang makuha ang buong Zamboanga through Federalism, palibhasa naisahan siya ng mga taga-MILF. Nawala ang ARMM niya.”

Read more...