Loisa Andalio nag-viral dahil sa kumalat na video scandal: Siya ba o pineke lang?

LOISA ANDALLO

NAG-VIRAL sa social media ang umano’y video scandal ng Kapamilya young actress na si Loisa Andalio.

Kasabay nito, binalaan ng ilang website at online entertainment portals ang mga netizen na magre-repost o magse-share ng nasabing video kahit nga na hindi pa naman sigurado kung si Loisa nga ang nasa video.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, deleted na sa Facebook ang video kung saan ito unang in-upload pero marami na nga ang nakapag-save nito at nakakuha ng kopya via screenshot kaya mabilis na kumalat.

Sa nasabing video na tumagal ng dalawang minuto, mapapanood ang isang babae na kamukha ni Loisa habang hinahawakan ang kanyang dibdib sa harap ng kamera. May caption itong “Loisa’s Sunday” na may petsang July 1, 2018.

Maraming nakapanood nito ang naniniwala na si Loisa nga ang babaeng nasa video base na rin sa tattoo ng babae sa kamay na katulad ng sa aktres ngunit may mga nagsabi naman na kamukha lang niya ang babae at maaaring kinopya lang nito ang tattoo ng dalaga.

Ilang netizens naman ang nagsabi na edited daw ang video at may gusto lang manira kay Loisa. Hindi rin daw sila naniniwala na magagawa ito ng dalaga.

Nanawagan naman ang ilang fans ng young actress na huwag nang ikalat o i-share ang video dahil nakakakaawa naman daw si Loisa. Tigilan na rin daw sana ang pambabatos sa dalaga nang dahil sa edited video.

Hindi pa nagsasalita si Loisa tungkol dito at wala pa ring inilalabas na official statement tungkol sa iskandalo ang Star Magic na nangangalaga sa career ni Loisa. Hinihintay na rin ng fans and followers ng dalaga kung ano ang magiging reaksyon ng boyfriend ng dalaga na si Ronnie Alonte na nabalita rin roon na umano’y meron ding sex video.

Narito ang ilang mensahe ng mga netizens na nagtanggol kay Loisa.

Ayon kay @Apostoool, “Anyone who shares and reproduces the alleged leaked scandal of Loisa Andalio could be sued through RA 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012 and RA 9995 or the Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009. Be warned.”

Komento ni @Maej28, “Loisa Andalio’s scandal is one of the example on how our society being toxic and sucks. Shaming and cyberbullying the victim rathan than calling the person who post and spread the video. Im not a fan but we need to respect and help her.”

“I’ll be a hypocrite if I say na di ko ginustong mapanood yung scandal ni Loisa. Syempre ginusto ko out of curiosity, and guys, lalake ako. But as a respect to her,please don’t spread the video and please don’t judge her because we don’t have an idea why did she do that,” sey naman ni @PeterToshBot.

Ito naman ang sey ni @eyyyndyel, “Loisa has scandal? I don’t think it is true. Stop bashing Loisa. Just go and find the one who leaked the video and asked that person where did he/she saw a video like that. Makapagsalita akala mo may mga alam at malilinis.”

Galit na galit namang comment ni @_AmbiVHERt sa mga bashers, “Y’all be hating rapists but here you are asking for Loisa’s alleged scandal and what’s worst is that most of those who are asking for it are GIRLS.

“You should have called the attention of the person who leaked the video. Put***ng ina Pinas!”

Read more...