Kilalang male celebrity adik na adik pa rin sa sugal, nabaon na sa utang
HANGGANG ngayon pala ay palagi pa ring nakikita sa isang malawak na lugar na maingay, mausok at magulo ang isang kilalang male personality.
Akala ng kanyang mga kaibigan ay tumigil na siya sa paglalagi sa nasabing lugar dahil ‘yun ang naging dahilan ng kanyang paghihirap pero wala siyang kadala-dala.
Kuwento ng aming source, “Naku, hindi siya tumigil kahit kailan! Lumiit lang ang puhunan niya sa pagsusugal, pero regular pa rin siyang naglalaro!
“Pinipili niya ang lugar na hindi matao, ‘yung suluk-sulok ng casino, hindi kasi masyadong puntahin ang ganu’ng lugar.
“So, nandu’n pa rin siya palagi, kahit pa napakalaki na nga ng natatalo niya, di ba? Wala siyang kadala-dala, hinihila talaga siya ng paa niya sa pagbibisyo,” simulang kuwento ng chikadora naming source.
Kalat-kalat ang utang ng male personality na ito, malaki ang pagkakautang niya sa isang madatung na male personality, ilang taon na ang pagkakautang niya pero hindi man lang siya nagbibigay nang kahit magkano.
“Nakakahiya siya! Pinaniniwala niya ang madatung na male personality na gagamitin niya sa isang magandang project ang inuutang niya, pero ipinangsugal lang naman pala niya!
“Ang nakakaloka pa, e, ni hindi nga niya tinatawagan ‘yung tao, ni hindi niya kinukumusta, pagkatapos niyang mangutang, e, parang wala lang!
“Kahit man lang sana tawagan niya naman ang pinagkakautangan niya, okey lang naman ‘yun sa inabala niyang tao, hindi naman nu’n kailangan ng pera dahil sobra-sobra ang datung nu’n!
“Pero ang deadmahin na lang niya, e, teka naman muna! Sabi nga, maalala mo lang tawagan ang pinagkakautangan mo, e, parang nakabayad ka na rin, di ba?
“Pero ang male personality na ito, waley! Parang siya pa ang kailangang tawagan ng inutangan niya! Hindi nga niya nakakalimutan ang daan papunta sa sugalan, pero ang dapat niyang tawagang taong nakatulong sa kanya, e, hindi man lang niya maalala?
“Naku, tantanan na niya ang bisyo niya, bumagsak na siya diyan nu’n, pero sige pa rin siya sa pagpitik nang pagpitik, e, palagi naman siyang olats!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, dating matinee idol ang male personality na ito, ex siya ng isang bagets actress nu’n na may maayos nang pamilya ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.