Friendship nina Claudine at Kris hindi nawasak dahil kay Gretchen

CLAUDINE BARRETTO AT KRIS AQUINO

Kaibigan pa rin ni Claudine Barretto si Kris Aquino kahit na nagkabati na sila ng kapatid na si Gretchen.

Ito ang nilinaw ni Claudine sa Instagram live session nila ni Greta, na very open sa kanyang pagkampi sa kinasuhan ni Kris na si Nicko Falcis. Wala raw koneksyon ang friendship nila ni Kris sa pagbabati nila ni Gretchen.

Ito naman ang hirit ni Greta, “Alam mo kami, may usapan din kami ni Claudine. I understand her life, her friends. Her friends are her friends, my friends can be her friends but she doesn’t have to be angry at an enemy or somebody that has done me wrong in the past.”

Parang mag-ate na rin ang turingan nina Claudine at Kris na ilang beses na ring nagkasama sa trabaho, ang huli ay sa pelikulang “Etiquette for Mistresses” noong 2015 kasama sina Iza Calzado at Kim Chiu.

Read more...