NANGGAGALAITI sa galit si K Brosas nang makita ang Facebook post ng isang herbal supplement na gumamit sa litrato ng yumao niyang kaibigan na si Chokoleit.
Para sa TV host-singer isa itong pambabastos sa komedyante na kahit patay na ay nakuha pang gamitin para sa pansarili nilang mga interes.
Nag-post si K ng kanyang reklamo laban sa “Vegiemax” sa pamamagitan ng kanyang Instagram account pati ang screenshot ng Facebook page ng nasabing produkto. Narito ang kabuuan ng kanyang hinaing.
“Sinong hindi manggigigil sa ganito?! Actually kahapon may na post din ako na networking keme na ginamit din pics ni Chokoleit sa FB page ko, pero infer nag apologize yung mismong company kc dealer lang daw yung nag post.. pero ito iba!!!
“Nag comment na kami nila @pooh_tik (Pooh) at @itspokwang27 (Pokwang) na burahin at paki explain bakit kelangan gamitin pics ni Chokoleit sa promo ng nyetang vegiemax nila?
“Aba! Imbes na burahin yung post nila.. binura yung comments namin?! Wow!
“At ang hindi ko kinaya eh nag comment pa sila na ‘kung naka take c Chokoleit NG vegiemax, malamang buhay pa sha’… seriously?!!
“BAWAL po yan FYI. Aang pag gamit ng pic ng sino man artista na di nyo endorser o walang permiso…ano pa kaya kung patay na?!!” himutok ng singer-comedienne.
Pagpapatuloy pa niya, “Pwede kayong idemanda mga dimunyu kayo! Pwede tayo mag negosyo At mag trabaho NG tamang paraan.. wag Mang gamit ng ibang tao At RESPETO lang naman!
“Dahil dinedma nyo mga comments at paki usap namin…ayan! Sikat kana!!! Palakpakan!”
Ito naman ang resbak ng administrator ng Vegiemax sa aria ni K Brosas, “Wala naman po ngsabi na gumamit cya. Kung nka take po cya ng Vegiemax, malmang buhay pa cya just like many other na ngyon ay masaya sa pigging healthy after taking our product.”
Kahit ang kaibigan ni Chokoleit na si Kakai Bautista ay hindi napigilan ang ma-bad trip sa katwiran ng admin ng nasabing FB page. Komento ni Kakai, “SOBRANG KAPAL NG MUKHA. MGA UNGAS!!!!!!!!”
Sinagot naman ni K ang tanong ni Pokwang kung ano na ang update sa kanilang reklamo, “@itspokwang27 Naku eto paaaaa! Nag direct message pako sa kanila para mabura na dapat kanina pa, ang sagot ay ‘Di po gumagana delete botton eh.
“Shunga lang? Sabi ko, na delete nyo comments naming lahat pero di ma delete yung post?!
“Ayun nung pinost ko to saka nag delete mga Dimunyu!”