Tips ni Marlene Aguilar-Ivler sa NBI | Bandera

Tips ni Marlene Aguilar-Ivler sa NBI

|January 25,2010
facebook
share this

Tips ni Marlene Aguilar-Ivler sa NBI

- January 25, 2010 - 02:33 PM

ni Lito Bautista, Executive Editor

HALOS araw-araw ay may pahayag sa media si Marlene Aguilar, ina ni Jayson Ivler.  Marami na siyang nasabi hinggil sa depensa ng kanyang anak, na nahaharap sa santambak na kasong kriminal.  Hindi siya sinasagot ng NBI, punto por punto.  Tama yan, lalo na kapag ang usapin ay kasong kriminal.  Ano ang epekto sa kaso ng mga sinasabi ni Marlene sa media?  Napakalaki ng epekto sa kaso ng mga sinasabi ni Marlene sa media.  Binibigyan niya ng tip ang NBI, ang tatayong taga-usig at nasa panig ng prosekusyon kapag binistahan na si Jayson.  Nang dahil sa kanyang walang kontrol na pahayag, na maliwanag na di ikinonsulta sa abogado, alam na ng NBI kung ano ang takbo ng depensa.  Halos nahulaan na ng NBI kung ano ang magiging bala ng depensa.  Nang dahil sa mga pahayag ni Marlene, ngayon pa lang ay alam na ng NBI kung saan sila lulugar bilang taga-usig.  Di alam ni Marlene na sa dami ng kanyang mga pahayag, binigyan niya ng tip ang prosekusyon sa magiging diskarte nito sa bista.  Hasta la vista.

BANDERA, 012510

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending