2 mukhang foreigner tumalon sa building?

DALAWANG lalaki na mukhang dayuhan ang natagpuang patay sa harap ng isang hotel sa Makati City kaninang umaga.

Hindi pa batid ang pangalan ng mga nasawi na inilarawang Asian-looking.

Pinaniniwalaang tumalon ang dalawa mula sa isang gusali sa kanto ng Kalayaan Avenue at Makati Avenue.

Mga pulis na nagpapatrolya sa lugar ang nakadiskubre sa mga biktima alas-5:30 ng umaga.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang nangyari.

Read more...