Vance Larena sinuwerte sa Bakwit Boys; may MMK na may serye pa

VANCE LARENA

Finally, ngumiti na ang langit kay Vance Larena.

Now, he has more than what he can handle, in terms of projects, that is.

From obscurity, Vance has etched an indelible name in the acting arena after his performance in “Bakwit Boys” where he played the eldest in the brood of four na napilitang maging bakwit (evacuees) nang bayuhin ng bagyo ang kanilang town at napadpad sila sa Pampanga.

After that, nagkasunud-sunod na ang suwerte ni Vance. First, he was cast in Ipaglaban Mo. Then came a regular soap, Nang Ngumiti Ang Langit which will premiere on Monday.

“Parang ito na po ang naging gusto ni Lord na tahakin ko po. Matagal din po akong naghintay. Sampung taong mahigit po ako sa teatro. Parang ang ‘Bakwit Boys’ ang nagbukas ng maraming pinto para sa akin.

“Kung hindi ko ginawa ang ‘Bar Boys’ na unang pelikula ko ay hindi rin po ako makakagawa ng ibang pelikula. Feeling ko hindi magiging strong ang pagmamahal ko sa pag-arte dahil po sa mga iyon,” say ni Vance.

Vance plays Kokoy, a driver-assistant of Enzo Pineda. Eventually, they will get into conflict because of Anna, played by Michelle Vito.

Isa pang big break kay Vance ay ang kanyang pagbibida sa Maalaala Mo Kaya this Saturday. Gaganap siya bilang isang bagets na nakulong dahil sa illegal possession of drugs. It is a story na talagang nagbigay ng ibayong inspirasyon sa maraming Pilipino.

Currently, ginagawa din ni Vance ang dalawang movie, “Open” at “Dead Kids”.

Read more...