Actor-dancer pumayag magpahada kay gay politician kapalit ng P250K

Merong nakakalokang tsika na pinagpipiyestahan sa isang lugar sa bandang South kung saan nahihilig sa mga sports and fiesta events ang ilang opisyal doon.

Bukod kasi sa mga kilalang personalidad na iniimbitahan nila to share their talent in singing and dancing, mahilig din silang mag-imbita ng mga celebrities na wala lang gagawin kundi ang maging “escort” ng ilang mga lider.

“Kunwaring friends ang drama nila. Kasabay sa pagkain, katabi sa upuan, konting chika-chika, ganu’n lang. Pam-PR kumbaga,” sey ng isang source namin.

Kaya raw nang makita nila ang isang artist na napapanood sa TV araw-araw na nagsasayaw at nagpapatawa, ang tanungan, totoo bang isa ito sa mga “spacial friend” ng isang politiko sa lugar nila.

“Very showbiz kasi si ___ (name ng politician) at mahilig mag-invite ng mga artista sa mga events nila.

Minsan na rin naming nakita si ____ (male celebrity) sa isang party dito. Wala namang ibang artista, siya lang ang kasama ni ____ (politician) at parang close na close sila, ha! Ni hindi nga siya pinabati sa stage.

“Basta nandu’n lang siya na parang asong nakabuntot sa amo niya. Tapos nabalitaan na lang namin na the following day na siya bumalik sa Manila,” kuwento ng aming ka-Chismacker.

Hindi na sana mabibigyan ng malisya ang lahat kung hindi lumabas ang tsikang sa mismong private resort ni politician natulog si male celebrity at umuwing may bitbit na mga kilalang produkto sa naturang lugar.

Matagal nang nakukuwestyun ang sekswalidad ni politician lalo na nang maghiwalay na sila ng kanyang misis, habang si male celebrity naman ay laging tinutukso sa kanyang TV show bilang “mapagbigay” sa mga beki lalo na’t may kapalit na bonggang “regalo”.

Hmmmm, kaya pala kahit wala namang masyadong project si male celebrity ay can afford bumili ng mga mahahaling stuff.

Ayon pa sa aming source, umabot daw sa P250,000 ang talent fee na ibinayad sa kanya ng naka-date niyang politician.

Pero teka lang, di ba’t balitang may anak na ang male star at nagli-live in na sila ng kanyang partner?

Alam kaya ng babae ang raket ng kanyang kinakasama?

Read more...