Alden nagpakatotoo, may inamin kina Regine at Jaya

ALDEN RICHARDS

A FEW weeks back, sandali naming nakahuntahan si Alden Richards during the Gabay Guro event na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna.

As expected, magiliw at very sweet si Alden sa aming lahat. Hindi rin halatang first time niyang mapasama sa tropa ng mga celebrity volunteers ng Gabay Guro gaya nina Regine Velasquez, Gabby Concepcion, Martin Nievera, Randy Santiago, Jaya, Klarisse de Guzman, Bugoy Drilon at mga kapwa Kapuso niyang first timers ding sina Kristoffer Martin at Dave Bornea.

Habang may ibang artists na nagpe-perform on stage, masayang nakipagkumustahan si Alden sa mga ate niyang sina Jaya at Regine sa holding area, pati na rin sa amin.

Noon niya nasabi na sana ay maranasan din niyang maging “Kapamilya,” dahil kahit may kumpetisyon daw ang mga TV networks, maganda pa rin daw sa growth ng isang artist ang maranasang makatrabaho ang mga artistang nasa ibang bakuran. Very positive naman ang naging reaction nina Jaya at Regine. And yes, when Alden said that, he was serious.

Then days later nga, lumabas na ang balitang gagawa sila ng pelikula ni Kathryn Bernardo under Star Cinema. Yun pala ang ibig sabihin ni Alden.

As we write this, maganda ang nasasagap naming balita na meron nang bonggang friendship sina Alden at Kath, pati na kay Cathy Garcia-Molina na siyang magdidirek ng movie nila to be shot in Hongkong. Comment nga ng isang friend ni Alden, there’s life after AlDub.

Sey pa ng nagpayo sa aktor, “You are your own person and artist. Lahat iyan, including your loveteam is fleeting. Pero ‘yung mga nagawa mo na at gagawin mo pa ang mananatili sa industriya na magsisilbing legacy mo.”

No wonder, Alden is taking everything as one true professional at kung anuman ang meron sila ngayon ni Maine Mendoza, ‘yan ay trabaho na lang.

Read more...