Akala namin ay nagbago na ang aktor na sumikat noong early 2000 na kaliwa’t kanan ang TV at movie projects ngayon dahil guwapo naman talaga kahit na hindi kagalingang umarte.
Maraming naging karelasyon ang aktor at bilib kami dahil magaganda, mayayaman at matatalino pa ang mga ito kaya lang, nagtataka kami dahil pagkalipas ng ilang taon ay naghihiwalay din sila.
Iisa ang reklamo ng mga nakarelasyon ng aktor sa kanya, “Immature. Okay lang kung bagets pa siya, pero naman, ilang taon na ba siya ngayon? Still immature?”
Nanghihinayang nga raw ang magulang ng aktor dahil boto sila sa mga naging girlfriend ng kanilang anak na inakalang magga-guide na siya para makalimutan na niya ang pagiging immature pero nagsawa ang mga babae.
Sobrang pampered daw kasi ang aktor simula sa pagkabata at spoiled pa kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin makapagdesisyon ng sarili at kailangang ikonsulta pa sa magulang.
At ang nakakagulat nauubos daw ang oras ng aktor sa kalalaro nito ng games sa kanyang hi-tech computer na inorder pa sa ibang bansa. Teka, wala ba siyang trabaho? “Wala, mayaman, eh,” kaswal na sagot ng isang source.
Ang sarap sanang sabihin na masuwerte ang babaeng mapapangasawa ng aktor dahil mayaman at guwapo, pero baka hindi naman siya maging masaya dahil sa pagiging immature mukhang tamad din pala siya.