NAGPALITAN ng “sorry” sina JK Labajo at Teddy Corpuz ng Rocksteddy.
Ito’y matapos ngang mag-comment ang TV host-singer tungkol sa pagmumura at pagde-dirty finger ni JK sa “Raktakan 2019”.
Na-offend si JK sa pakikisawsaw umano ni Teddy sa nasabing issue kaya nag-post ito sa kanyang social media account.
“Nabasa ko na yung rant ni JK sa Instagram stories niya about me. Apparently nabasa na niya yung comment ko.
Nag-direct message ako sa kanya sa Instagram. Nag-message naman siya kaagad,” pahayag ni Teddy sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.
Ayon sa Showtime host, nag-sorry si JK sa kanya at agad binura ang IG post nito laban sa kanya.
“Nag-sorry nga siya sa akin e. Binura ang mga pinost tapos nag-usap kami. Ako rin nag-sorry sa kanya. Kung meron akong regret siguro probably next time I won’t comment on (issues concerning other artists)” ayon pa kay Teddy.
Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko alam yung intention kung bakit nagmura si JK… para sa akin everything is permissible naman e, but not everything is beneficial.”
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Teddy na binigyan din niya ng advice si JK na sikat na sikat ngayon dahil sa kantang “Buwan”, “Nagpayo rin ako sa kanya, sabi ko, ‘Uy matagal-tagal pa ‘yung career mo so steady lang sa mga bashers o sa emotions, steady lang, mahaba pa ‘yung career mo.”
“Nag-sorry ako sa kanya kung medyo feeling niya napasama siya doon sa comment ko pero I mean no harm. Kung ‘yung buong konteksto naman nong ano ko, alam ko naman kung ano ‘yung sinabi ko about him.
“‘Yun nga ako rin nakakapagmura rin naman ako. ‘Yung mga ibang artista, may mura pa nga sa songs nila but it doesn’t mean that we are bad (people) or bad influence,” pahayag pa ng lead star ng pelikulang “Papa Pogi”.