Gretchen, Claudine hindi invited sa kasal ng anak ni Marjorie; ‘Nagkasumbatan’ sa Instagram

MAY malalim na namang hugot ang kontrobersyal na aktres na si Gretchen Barretto. This time, naglitanya naman siya laban sa kanyang pamangkin na si Dani Barretto.

Magkasamang nag-live sa Instagram sina Gretchen at Claudine kagabi at dito nga inamin ng magkapatid na hindi sila invited sa nalalapit na wedding ng anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi.

May isang netizen ang nagtanong kung pupunta ba sila sa kasal ng kanilang pamangkin at diretso itong sinagot ni Greta ng, “Honestly No! I’m not invited.”

Itinanong din niya ito kay Claudine, “O you wanna answer? O ayaw, you don’t wanna answer or you’re not invited?” “Both!” natatawang sagot naman ni Claudine.

Dito na naglitanya si Greta tungkol sa pag-aalaga niya noon kay Dani at kung paano nila tinulungan si Marjorie noong ipinagbubuntis nito ang kanilang pamangkin.

“Ayoko magbilang, ang sinasabi ko lang, Marjorie and Dani lived with me in Blue Ridge, nanganak si Marjorie, at that time she was doing a film with VIVA Films,” sabi ni Gretchen.

Pagpapatuloy pa niya, “Kaka-19 lang niya, nagta-trabaho ako, ako po ang nagbayad ng hospital bills, natural pamangkin ko siya, anak siya ng kapatid ko na minamahal ko.”

Sabi pa ni Gretchen, itinuring din niyang parang tunay na anak si Dani, sa katunayan, bukod sa pagbabayad ng bills, ikinuha din niya ito ng sariling yaya.

“She needed a yaya, Yaya Susan, ako po ang nag-suweldo, hindi po ako nagyayabang, I’m just trying to refresh the memory of everybody.

“Dani was the apple of my eye, I didn’t have any children yet, Dominique wasn’t born yet, I provided everything. Including love and attention, including Claudine,” chika pa ng aktres.

“Minahal ko si Dani, I thought I was her second mother and when she called me mama, mama Nel, sineryoso ko yon, so parang nung sinabi niya non na ‘My mama was the only one there for me, who raised me’, ano ako multo? Ano si Claudine multo?

“Parang for me, ouch! Di ba parang ouch! I was hoping na I raised, or I gave love to people who at least can be grateful, yun lang! Not counting the material things that I give away. But the time, the love and the attention, ‘yun lang!” tuluy-tuloy na pahayag pa ni Greta.

Kung matatandaan, nito lang nakaraang linggo naalita na nagkaayos na sina Claudine at Gretchen. At sa pagsasalita ngayon ni Greta, mukhang may samaan pa rin sila ng loob ni Marjorie kaya ganoon na lang ang hugot ng una sa kanyang pamangkin.

Read more...