Tanod namaril sa fiesta; 2 patay

DALAWANG lalaki ang nasawi nang pagbabarilin ng barangay tanod sa gitna ng isang pista sa Pilar, Capiz, nitong Miyerkules, ayon sa pulisya.

Nasawi sina Fernando Piano, 29, at Joseph Bacanto, 24, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Naganap ang insidente dakong ala-1:30, sa Brgy. Dulangan.

Naglalakad sina Piano at Bacanto sa feeder road para dumalo sa sayawang isinagawa kaugnay ng pista, nang sila’y kinumpronta ng tanod na si Nito Dichosa.

Kasunod nito’y nakasaagutan nila ang tanod, at habang umaawat ang isa pang tanod ay bumunot ng baril si Dichosa at pinaputukan nang dalawang beses si Piano, ayon sa ulat.

Pinaputukan din ni Dichosa si Bacanto sa dibdib habang sinusubukan itong agawin ang baril, ayon sa pulisya. 

Itinakbo sina Piano at Bacanto sa isang ospital sa Roxas City, ngunit kapawa di umabot nang buhay.

Pinaghahanap pa ng pulisya si Dichosa, na mabilis tumakas matapos ang insidente. 

Read more...