1 pang estudyante pumanaw sa banggaan ng van at trak sa Negros Oriental

ISA pang estudyante na kabilang sa mga naaksidente sa banggaan ng van at trak sa Negros Oriental ang pumanaw kahapon.

Ayon sa Department of Education pumanaw na ang Grade 11 student na si Justine Generoso, ng Basay National High School, habang ginagamot sa Silliman University Medical Center Intensive Care Unit sa Dumaguete City.

“Medical report shows that Generoso suffered from blunt chest trauma, multiple rib fractures, acute tubular necrosis, and subcutaneous emphysema, and was under intensive care since his admission.”

Si Generoso ay isa sa mga estudyante na lumahok sa regional Mathematics contest sa Cebu City noong Marso 1.

Sila ay pauwi na ng bumangga ang sinasakyan nitong van sa kasalubong na trak.

Lima sa mga kasama ni Generoso ang agad na namatay.

Nangangalap ang DepEd ng tulong para sa lima pang biktima na patuloy na ginagamit at sa mga kaanak ng pumanaw, na pawang mula sa mahihirap na pamilya.

Read more...