Indie actress inireklamo sa ginawang pelikula: Hindi siya bagay maging bida…


SA tatlong showbiz events na dinaluhan namin kamakailan ay iisa ang topic ng mga katoto kasama na ang photographers, TV reporters at online writers tungkol sa wannabe actress na feeling magaling.

Base sa pakikinig namin ay nagtatanungan ang lahat kung paano napasok sa movie project ang baguhang aktres dahil parang “miscast” daw ito.

Mga kilala at mahuhusay na artista ang kasama sa nasabing movie project kaya ang tanong kung saan ba nanggaling ang wannabe actress at kung dumaan ba siya sa audition.

Sabi ng kilalang print media editor, “Baka naman nag-audition kasi imposibleng handpicked? Usually naman kapag hindi kilala sila ‘yung walang angal sa role. Kapag may pangalan na kasi, maraming hanash.”

Dagdag naman ng isang online writer, “May naging project na ba siya? Ay tanda ko na, parang nakita ko siya sa isang indie movie. Hindi ko lang matandaan kung ano, teka i-Google ko.”

Hayun, nalaman nila na marami na palang nagawang indie films ang wannabe actress, yun nga lang hindi naman siya ang bida, pawang supporting role at wala pa rin siyang award.

“E kaya hindi pa knowing,” singit naman ng TV reporter.

Kaya nasabing “miscast” ang wannabe actress ay dahil hindi raw siya bagay sa role bilang bidang babae.

Sana raw ay may pangalan ang kinuha sa project na ito na posible pang mapanood sa ibang bansa.

Read more...