NAIS naming isipin na saan mang side of the political fence nabibilang o nakatayo ang sinumang celebrity ay karapatan niya ‘yon.
And this doesn’t exempt Ethel Booba as well kung critical man siya of Bong Revilla. Eh, sa kung ‘yun ang paniniwala ni Ethel, let her be.
Hindi rin naiiba ang kaso ng open anti-Duterte singer-actress na si Agot Isidro na sinasabing kesyo bitter daw kaya panay ang banat nito kay Imee Marcos.
Like Angelica, Ethel and Agot have the right to speak their minds, kundi man ibuyangyang ang suot nilang T-shirt in support of whoever is in the picture emblazoned on it.
Hindi porke’t kabilang sila sa mundo ng showbiz should limit their thoughts and sentiments na hanggang showbiz lang, much less gag their mouths.
Mas gusto namin ang ganu’ng uri ng artista, hindi basta nakamasid at naghihintay lang, yakyak nang yakyak pero wala namang bayag.
Samantalang the ball is in their hands. Yes, umakyat na mula sa pagitan ng singit!