700 pamilya nasunugan

NAWALAN ng bahay ang mahigit sa 700 pamilya sa Quezon City sa isang sunog na umabot sa general alarm, ang pinakamataas na alarma ng Bureau of Fire Protection.

Anim ang napaulat na nasugatan sa sunog sa Block 5, Brgy. Damayang Lagi na nagsimula ala-1:27 ng hapon.
Alas-2:55 ng hapon ng ideklara ang general alarm. Idineklara naman ang fire out alas-5:07 ng hapon.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ang arson probers upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Naging mabigat naman ang daloy ng trapiko matapos na isara ang E-Rodriguez Sr. Ave.

Read more...