Maymay naka-3M na sa Instagram: Bushak na this!

IBINANDERA ni PBB Lucky Season 7 big winner Maymay Entrata na umabot na sa 3 million ang followers niya sa Instagram.

Masayang nag-post ang Kapamilya youngstar sa kanyang IG account para ibalita ang bago niyang “achievement” sa mundo ng social media.

Caption niya sa kanyang IG photo kung saan nag-emote pa siya na parang shocked at hindi makapaniwala sa dami ng kanyang followers, “Happy 3M po saatin!! Bushak na this!!!”

Maraming nadagdag sa sa number of IG followers ni Maymay matapos niyang i-release ang kanyang bagong single na “Kakayanin Kaya” kasabay ang paglabas ng music video nito featuring her on screen partner Edward Barber na nag-release rin ng bagong single, ang “No One Else”.

Bukod sa dami ng views at likes ng music video ni Maymay, umariba rin nang bonggang-bongga sa iTunes Philippines’ Top 100 songs ang “Kakayanin Kaya” with Maymay claiming the top spot habang nasa number 2 naman ang single ni Edward.

Sa maikling panahong inilagi ng Mayard tandem sa mundo ng showbiz, marami-rami na rin silang pwedeng ipagmalaking achievement, lalo na si Maymay na kilala na rin ngayon sa mundo ng fashion.

Narito naman ang ilan sa mga comments ng fans ni Maymay.

Ayon kay @arlenecollano, “Congrats my bb girl maymay.love u both Edward and maymay mayward only.”
“Woooooow congrats, so proud of you bebe girl ?? proud fan from tacloban. P.s. stay grounded, humble and gorgeous!” komento ni @jordinpalanas.

Pahayag naman ni @maryann.b.divina, “Congratsssss! Sana lagi kang masaya, kasi pag nakikita kitang masaya, masaya rin ang pakiramdam ko, kapag malungkot ka, malungkot din ako. Lagi kitang ipinagdadasal na sana makayanan mo lahat ng pag subok na darating, ingatan mo ang sarili, alam kong hindi ka pinapabayaan ni God!”

Ito naman ang comment ni @jsc_graham, “Forever gorgeous girl, stay humble and kind to everyone always!”

“Sana mag vlog kadin @maymay kahit wlang edit2 direct post na, sure na marami kang followers at manunuod,..kahit anong post lang, makakatulong din un sau ng malaki,” ang suggestion naman ni @janlyn11.

Read more...