Miss Universe crown ni Catriona nasira: I’m so sorry…

NASIRA pala ang Miss Universe Mikimoto crown ni Catriona Gray.

Nag-explain nang bonggang-bongga ang beauty queen sa Miss Universe Organization kung bakit nagkaroon ng basag ang kanyang korona.

Ayon kay Catriona, ‘yan ay dahil sa pagsasayaw niya during her homecoming parade in Manila.

Nag-post sa Twitter ang Miss U Organization ng isang video kung saan mapapanood ang paliwanag ni Catriona kung paano nasira ang kayang precious Mikimoto crown. may titulo itong, “The moment you’ve all been waiting for: The Story Behind The Broken Crown.”

“One of the things I love most about the parade is that they have this moving band they have drums and it makes me wanna dance, so I end up dancing, although I’m not a very good dancer.

“But uhm, guys I have a confession…the Mikimoto has seen better days as a result of my dancing I am so sorry.”

Nag-tweet muli ang Miss Universe Organization at sinabihan ang kanilang followers at ang fans ni Catriona ng, “Don’t worry it’ll be fixed in no time.”

Read more...