Transformation ni Janine sa ‘Dragon Lady’ inaabangan na


NAUNA na sa summer ang ginawang pasabog ni Janine Gutierrez para sa paglabas ng kanyang karakter bilang si Celestina sa Dragon Lady ng GMA.

Para sa mga netizens, pinagliyab ni Janine ang kanilang telebisyon dahil sa ipinakita nitong husay sa pag-arte. Lumabas ang pagiging natural ni Janine sa nasabing serye at hindi pinahalata ang hirap na dinaranas sa bigat ng prosthetics na nakakabit sa kanyang mukha.

Totoo nga ang sinabi ni Janine na exciting ang karakter niya sa Dragon Lady. Sa huling episode na napanood namin, tinangka na ni Celestina na lumabas sa kanilang bahay para puntahan ang mga magulang (Diana Zubiri at James Blanco) na naaksidente.

Dito, agad niyang naranasan kung kung gaano kalupit ang mundo. Bukod sa naloko na siya sa pera, hinoldap pa siya ng taxi driver na nasakyan niya. Marami na rin ang nakakita sa mala-dragon niyang itsura.

Bukod dito, excited na rin ang fans ni Janine sa magiging transformation niya bilang Dragon Lady. ‘Yan ang dapat n’yong abangan sa pagpapatuloy ng serye sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Read more...