Miguel, Bianca game na game magpaka-daring sa ‘Sahaya’


DREAM come true nga para sa BiGuel fans ang pagbabalik-tambalan ng Kapuso loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa pinakabagong primetime soap ng GMA 7 na Sahaya.

Dagdag pa sa excitement ng karamihan sa kanila ang pagpapakita ng versatility nina Miguel at Bianca dahil sa konsepto ng istorya nito na nagpapakita ng ethnic roots ng ilan sa mga ninuno ng Pilipino.

For sure ito na raw ang magiging bagong aabangan nila gabi-gabi sa GMA Telebabad, lalo na’t napabalita na mas magiging palaban at daring ang magka-loveteam sa kanilang mga eksena sa Sahaya.

May ilang viewers naman ang nagsabi na excited na rin silang mapanood kung ano ang gagawin ng bagong ka-love triangle ng BiGuel na si Migo Adecer. Sabi naman ng binata, handa na siyang kainisan ng mga fans nina Bianca at Miguel pero sana raw ay panoorin nila gabi-gabi ang serye dahil may pinanggagalingan naman ang kanyang karakter.

Sa pilot episode ng Sahaya nitong nakaraang Lunes, ipinakita kung paano nagsimula ang kuwento ni

Sahaya at kung sinu-sino ang mga taong naging bahagi ng kanyang nakaraan at ng mga makakasama niya sa kanyang pagsilang sa mundo.

Unang lumabas ang mga karaker nina Jasmine Curtis, ang magiging nanay ni Sahaya, Benjamin Alves, Snooky Serna at marami pang iba.

Napapanood ang Sahaya mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad after Kara Mia.

q q q

Hindi na maikakaila na iba talaga ang tindi ng chemistry ng loveteam ng My Special Tatay lead stars na sina Ken Chan at Rita Daniela na mas kilala ngayon ng manonood bilang sina Boyet at Aubrey.

Ilan nga sa mga nakakausap namin na hindi naaabutan ang GMA Afternoon Prime serye sa hapon dahil nasa trabaho, may kanya-kanyang paraan para mapanood ang kanilang paboritong loveteam.

Ilan sa kanila, abangers talaga sa ia-upload sa YouTube account ng GMA Drama pagdating ng gabi. May ilan naman na bumili pa ng android cellphone at palalagyan ng TV na application para lang makapanood sa mismong time slot ng MST.

Ang karamihan naman ay pinalilipat pa ang channel ng telebisyon sa kani-kanilang opisina at sabay sabay silang manonood. Iba raw kasi ang pakilig na dala ng BoBrey randem. Malapit daw sa reyalidad ng buhay at hindi OA.

Taray ng BoBrey, ha! Para sa susunod na kabanata ng kanilang love story, patuloy na tumutok sa My Special Tatay sa GMA Afternoon Prime.

Read more...