Heart pinipilit na pasukin ang politika: I don’t think it’s my thing
MARAMI ang kumukumbinsi sa Kapuso fashion icon-actress na si Heart Evangelista na pasukin na rin ang mundo ng politika.
Feeling nila mas maraming matutulungan ang asawa ni Sen. Chiz Escudero kapag nagkaroon siya ng posisyon sa gobyerno, lalo na’t very much involved siya sa mga charity works.
Isang netizen ang diretsong nagtanong kay Heart sa pamamagitan ng IG kung interesado rin ba siyang tumakbo sa kahit anong posisyon at kung hindi ba siya pinipilit ni Chiz na maging public servant.
Hirit ng IG follower ng aktres, “Just out of curiosity, any plans of getting into politics in the future?”
Ito naman ang sagot ni Heart “I don’t think it’s my thing. I wanna help without being questioned about my sincerity.”
Bukod sa pagtulong sa ilang charity institutions, kilala rin ang Kapuso star sa kanyang mga advocacy kabilang na ang pagsuporta sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at Gawad Kalinga.
Pero ayon sa ilang followers ng aktres, malaki ang chance niya na manalo kung tatakbo siya ngayong darating na eleksyon dahil sa dami ng naniniwala sa kanyang kapasidad at feeling nila hindi na magnanakaw si Heart sa kaban ng bayan dahil super rich na siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.