Kathryn: I swear to God, sobrang saya namin ni DJ ngayon

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

DIRETSAHAN nang sinagot ni Kathryn Bernardo ang tungkol sa ayaw mamatay-matay na chika na hiwalay na sila ni Daniel Padilla.

Ayon sa Kapamilya youngstar, walang katotohanan ang tsismis, sa katunayan mas lalo pa raw lumalim ang pagtitinginan nila ng kanyang boyfriend.

Sa Facebook Live broadcast para sa isa niyang endorsement kagabi binigyan na ni Kath ng tuldok ang break up issue sa kanila ni DJ.

“Sasagutin ko na ito kasi ang dami talagang tweets. Saan ba galing ‘yung news na ‘yun? Hindi talaga. Sobrang saya namin ni DJ ngayon,” simulang pahayag ng dalaga.

“Hindi porke’t hindi kami nagpo-post na magkasama kami, hindi ibig sabihin hindi kami okay. Privacy na lang namin ‘yung iba. Wala kaming problema. Super okay kami,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy pa niya, “Just to be clear, we are okay. Nothing to worry about. Wala talaga ito, I swear to God.”

Mutual din ang desisyon nila ni Daniel na huwag munang magsama sa susunod nilang mga proyekto.

“I think this is the most challenging year for me. At the end of this year, gusto ko ma-achieve ‘yung growth ko siguro individually.

“Kasi for the longest time, kami ‘yung magkasama, and this year ‘yung pinakamalaking challenge sa akin and sa kanya kasi magkahiwalay muna kami, not in real life but as a love team,” paliwanag ng dalaga.

Ang gusto ng KathNiel, ma-miss nila ang isa’t isa pagdating ng tamang panahon na gagawa uli sila ng project together.

“’Yan ang gusto namin ma-achieve para by the time na magka-reunion project kami, we are both ready individually. And, ewan ko, feeling ko mas buo kami,” sabi pa ni Kath.

Sa ngayon, magpo-focus muna siya sa pelikula nila ni Alden Richards, “I’m very happy kasi I said yes. Tinanggap ko itong project na ito with open arms. Gagawin ko siya 100% na kaya ko ibigay.

“Napa-proud ako sa sarili ko na nagawa ko ‘yun. Malayo ‘yun sa comfort zone ko. So sabi ko I want to take this challenge. I have to do this for my growth,” chika pa ng GF ni Daniel.

Read more...