Ex-bf ng ni-rape/slay na dalagita arestado

Naga, Cebu

INARESTO ng mga otoridad ang dating nobyo ng 16-anyos na dalagitang biktima ng karumal-dumal na panghahalay at pagpatay sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ang suspek, na 17-anyos, ay dating nobyo ni Christine Lee Silawan at nagturo ng dalawa pang may kinalaman din umano sa insidente, sabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac.

Nadakip ng mg tauhan ng National Bureau of Investigation ang suspek sa gitna ng mga operasyon kasama ang Central Visayas police.

Itinurn-over ng PNP-NBI investigating team ang 17-anyos sa Department of Social Welfare and Development habang inihahanda ang dokumentasyon ng kaso, ani Banac.

Matatandaang si Silawan ay hinalay at pinatay nitong unang bahagi ng buwan sa Lapu-Lapu. Binalatan ang mukha ng dalagita at nawawala pa ang ilan sa mga laman-loob nito, ayon sa mga awtoridad.

Ayon kay Banac, inatasan ang Regional Crime Laboratory Office 7 na ibahagi ang SOCO at autopsy reports sa joint investigating body, habang nagpapatuloy ang paghanap sa iba pang suspek.

Bubuuin ng NBI ang mga nakalap sa imbestigasyon para sampahan ng kasong murder ang mga suspek, aniya.

Read more...