Pulse Asia: Poe nanguna pa rin; 6 bata ni Digong pasok sa Magic 12

ANIM na kandidato ni Pangulong Duterte ang nakapasok sa Magic 12 ng senatorial survey ng Pulse Asia.

Sa survey na isinagawa mula Pebrero 24-28, nanguna pa rin si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 67.5 porsyento at sinundan ni Sen. Cynthia Villar na nakakuha ng 61 porsyento.

Pangatlo naman si dating Special Assistant to the President Bong Go na may 53 porsyento. Sumunod sa kanya sina Sen. Sonny Angara (52.2 porsyento), dating Sen. Lito Lapid (49 porsyento), House Deputy Speaker Pia Cayetano (47 porsyento).

Pampito naman si dating PNP Chief Bato dela Rosa (44.6), Sen. Nancy Binay (40.5), dating Sen. Mar Roxas (39.8), dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr. (36.8), Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (36), Sen. Koko Pimentel (35.6), dating Sen. Jinggoy Estrada (33.9) at dating Presidential political adviser Francis Tolentino (32.1).

Sumunod naman sina Sen. Bam Aquino (30.4), Sen. JV Ejercito (27.6), dating Sen. Serge Osmena (26.7) at dating Sen. Juan Ponce Enrile (25.2).

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.3 porsyento.

Read more...