Digong hindi nakadalo sa mga iskedyul dahil sa migraine

SINABI ng Palasyo na hindi nakadalo si Pangulong Duterte sa kanyang mga opisyal na iskedyul noong Biyernes dahil sa migraine.

Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na bumuti na ang pakiramdam ni Duterte makalipas ang tatlong oras.

“He had a migraine. But after three hours of rest, he recovered and he went to work reading so many documents. He just stayed in the house,” sabi ni Panelo.

Idinagdag ni Panelo na bagamat hindi rin sinipot ni Duterte ang kanyang opisyal na aktibidad noong Sabado, binasa naman niya ang mga importanteng papeles.

“He is okay. As I said, he concentrated on his work – the paper work, there are so many things to read and to study,” ayon pa kay Panelo.

Tiniyak ni Panelo na walang dapat ikabahala sa kalusugan ng Pangulo.

 

“Oh definitely not (serious condition), the usual migraine that affects him every now and then,” paliwanag pa ni Panelo. 

Sinabi pa ni Panelo na hanggang kahapon, nasa Davao  City pa rin si Duterte.

Linggo ng gabi may mga pribadong pagpupulong naman si Duterte.

Lunes ng umaga ipinapakita naman na nagpunta si Duterte sa kanyang paboritong bakery sa Davao City kung saan siya nag-almusal. 

 

Read more...