NAPANATILI ng bagyong Chedeng ang lakas nito habang papalapit sa kalupaan ng Mindanao.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito. May pagbugso itong 60 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro sa kanluran.
Ngayong araw ay itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 1 sa Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Sur, Davao City, General Santos City, Davao Occidental, katimugang bahagi ng Davao del Norte kasama ang Samal Island, silangan ng North Cotabato, silangan ng South Cotabato at silangang bahagi ng Sarangani.
MOST READ
LATEST STORIES