SIMULA na ng masalimuot ngunit makulay at exciting na buhay ni Celestina o Ina sa pagpapatuloy ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.
Ngayong dalaga na si Ina na ginagampanan ni Janine Gutierrez, asahan na ang sunud-sunod na pasabog sa Dragon Lady. Tutukan kung paano siya makikipagsabayan sa mga ordinaryong tao habang itinatago ang tunay niyang pagkatao.
Abangan din ang unang pagkikita ng mga karakter nina Janine at Tom Rodriguez at kung paano magsisimula ang kakaiba nilang love story at kung paano ito guguluhin ng mga kontrabida sa serye na sina Edgar Allan Guzman at Joyce Ching.
Ayon kay Janine, sa second week ng Dragon Lady mapapanood kung ano talaga ang ipinaglalaban ni Celestina at kung bakit binigyan siya ng kakaibang powers. Ang tanong galing ba sa pwersa ng kabutihan ang kanyang kapangyarihan o galing sa kampon ng kadiliman.
May pagka-superhero ang karakter dito ni Janine kaya yan ang dapat n’yong abangan.
“Pero I think it’s all about finding yourself and finding exactly you’re fighting for. Tapos sobrang exciting niya kasi nakakaintriga yung kuwento. May mga sekreto, may mga sumpa, may suwerte. So dun iikot lahat ng pangyayari sa Dragon Lady,” kuwento pa ng dalaga.
Napapanood ang Dra-gon Lady sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.