Finale ng Onanay trending; Jo Berry, Wendell, Cherie wagi ang akting

TRENDING ang finale episode ng Kapuso primetime series na Onanay na umere last Friday.

Pinuri ng manonood at ng mga netizens ang ipinakitang akting ng mga bida at kontrabida sa programa sa pangunguna na nga nina Jo Berry, Cherie Gil at Wendell Ramos. Sa kanila sumentro ang ending ng Onanay.

At dahil tinutukan ng viewers ang serye, nag-trending ang hashtag na #OnanayFinale kung saan namatay ang karakter ni Cherie bilang si Helena matapos iligtas si Natalie, na ginagampanan ni Kate Valdez na ang galing-galing din sa kanyang mga huling eksena.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa pasabog at heartwarming ending ng Onanay.

Ayon kay @itsmerodney, “Dear @GMADrama please continue to create a series with different flavor and unique stories. I never imagine you put series in primetime block such onanay very unusual to seen in Philippines tv!”

“Job well done. We will missed this series#OnanayFinale,” sey naman ng isang netizen.

Comment ni @iamjac04, “Watching last night #OnanayFinale is one of the most heartbreaking finale I’ve watched. Grabe ang mga emotions, tagos hanggang buto. Superb!”

“As much as i do not like the idea of Helena not having a realization of what she did and not able to seek forgivenes from Onay and her family, but damn Wendell Ramos is really an underrated actor. Every gesture, delivery, crying scenes are all on point,” chika naman ni @16MillionVotes.

Pinuri rin ng manonood si Wendell sa makatotohanan niyang akting sa Onanay at hindi raw imposibleng hirangin siyang best actor sa susunod na awards season.

“Wendell Ramos showed versatility dito sa show. Ive seen him Act before pero this Wendell we currently see is very different from before. And I think he also deserves some recognition,” papuri ng isang viewer.

Chika naman ni @akosimonch1989, “I literally cried. @ValdezKate_ just proved that she’s grown as an artist. I wish seeing her again on tv. Kudos to Wendell for delivering such na-tural gesture, we are so much moved. Another job well done @gmanetwork and cast.”

Samantala, pagkatapos ng Onanay, may mga susunod nang proyekto si Jo Berry sa GMA 7 kabilang na ang pelikulang ipo-produce ng GMA Films.

Read more...