Nadine Samonte isinugod sa ospital, humiling ng dasal para sa 2nd baby


ISINUGOD sa ospital ang StarStruck Season 1 alumna na si Nadine Samonte dahil sa contractions. Buntis ngayon ang aktres sa ikalawang anak nila ng asawang si Richard Chua.

Agad namang ipinaalam ni Nadine sa kanyang fans and followers sa pamamagitan ng Instagram na okay naman ang kundisyon ng kanyang baby.

“I had my contractions last Wednesday night. I need to go immediately to the hospital since it’s every 5 minutes na I got scared,” unang chika ni Nadine.

“I’m still now in the hospital for monitoring but thank God and thank you to everyone who prayed for me. Nawala ang contractions ko, well, of course, ang daming gamot,” aniya pa.

Ayon pa sa aktres, miss na miss na niya ang panganay na anak na si Heather Sloane kasabay ng kanyang hiling na ipagdasal na maging healthy ang sanggol sa kanyang tummy.

“I’m asking for your prayers na magtuloy ung pagstop ng contractions. I’m just 29 weeks, it’s too early. I know we can survive this journey again. No signs of anything, negative lahat ng results.

“It’s just APAS talaga. You know naman mga APAS patients, what I’m talking about biglaan lahat,” aniya pa.

Read more...