Female celeb na laging sawi sa lovelife malala na ang hugot; kailangan nang magpagamot

MARAMING nagmamahal at nagmamalasakit sa isang pamosong female personality ang may gustong makipag-usap sa kanya nang masinsinan. Gusto siyang iupo ng mga kasamahan niya para mapagpaliwanagan.

Sa kanilang panukat ay sumosobra na sa kailangan lang ang pagiging emosyonal ng babaeng personalidad. Hindi kaya nila payuhan ang magandang aktres na makipagkita na sa kanyang doktor?

Kuwento ng isang source, “Batambata pa lang kasi ang girl na ito, e, nakakatrabaho na nila, kaya gusto nilang tulungan. Baka nga naman makagaan sila sa dinadala ng girl, parang ganu’n lang.

“Malayo lang kasi nilang sinusubaybayan ang girl, nababasa rin nila ang mga emote ng female personality, kaya nag-usap-usap sila na baka naman meron silang magawa, di ba?

“Hindi raw kasi kayang i-handle ng girl ang problema niya sa puso. Matapang siya kung sa matapang sa maraming laban niya, pero pagdating na sa puso, bigla siyang laglag!

“Kaganda niya naman, hindi siya mauubusan ng lalaki, pero parang palagi siyang naghahabol kapag naghihiwalay na sila. Hindi bagay sa kanya ang ganu’n dahil nagmumukha na siyang ewan!” unang pagpansin ng chikadora naming source.

Nauuna raw kasi ang emosyon ng magandang aktres kesa sa kanyang anak. Agad siyang nag-eemowt kahit wala namang dahilan. Kailangan na nga yata niyang magpagabay sa kanyang doktor.

Patuloy ng aming source, “Matapang siya, tagapagtanggol nga siya ng mga kaibigan niyang naaapi, e!

Pero pagdating na sa mismong problema niya, e, sumasablay siya!

“Magaling siyang magpayo sa mga kasamahan at kaibigan niya, pero ang sarili niyang problema, e, hindi niya kayang ihanap ng solution!

“Hindi naman puwedeng palagi na lang siyang ganyan! Para siyang mauubusan ng karelasyon sa mga pinaggagagawa niya! Asyumera kasi ang babaeng ‘yun, mauuna ang emotion niya kesa sa katotohanan.

“Tama bang maging pa-victim na lang siya palagi? Bakit? Ang ganda-ganda niya, marami pa siyang makikilalang higit pa sa mga nakarelasyon niya!

“Totoong mapanganib ang makipagrelasyon pero kung uunahin niya ang utak niya kesa sa pag-eemowt, e, magiging masaya rin siya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, walang kailangang clue, siguradong hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Read more...