Nadine mas naging fresh mula nang makipag-live in kay James


MAS fit at mas fresh ang aura ngayon ni Nadine Lustre. Puring-puri nga siya ng mga nakapanood ng pelikulang “Ulan” dahil sa kanyang kaseksihan.

In fairness, magaling mag-alaga si James Reid, ha. Comment nga ng isang JaDine fan, kahit na nagli-live in na ang dalawa ay napanatili pa rin nila ang freshness ng kanilang itsura.

“Hindi siya (Nadine) mukhang laspag. Ang ganda-ganda niya nga-yon and she maintained her gorgeous body. Kasi yung ibang girls na nakikipag-live in, nalalaspag, tumatanda, natutu-yot, but not Nadine,” sey ng supporter ni Nadine.

Nu’ng huli naming makachika ang aktres, sinabi niyang resulta raw ito ng kanyang strict diet. Kaila-ngan na raw niyang ga-win ito dahil aminado siyang hindi na bumabata ang kanyang sistema.

“Yes I do, I still eat of course. Now po kasi I have yung packed foods. Yun ang lagi ko kinakain and this is the effect,” pahayag ng dyowa ni James.

Bukod diyan, regular din ang kanyang exercise. Ang isa pang ipinagpapasalamat ni Nadine, hindi raw siya madaling tumaba kaya kahit medyo napapadami ang kanyang kain ay walang masyadong epekto sa kanyang katawan.

Samantala, magaganda ang nabasa naming mga review about “Ulan” kaya kung gusto n’yong mapanood si Nadine sa kakaibang role, sugod na sa mga sinehan at palabas pa rin ang movie directed by Irene Villamor under Viva Films.

Read more...