Nam Joo Hyuk, Ji Soo, Jung Yu Mi bibida sa 2 original Netflix series


KOREAN word of the week: “Ne” at “Aniyo – Ang “Ne” ay “Yes” sa Ingles at ang “Aniyo” naman ay “No.” Sa Tagalog, ito’y oo at hindi.

q q q

Mapapanood na sa Netflix sa Abril 19 ang bagong Korean drama ng isa sa mga stars ng blockbuster romcom series na Strong Woman Do Bong Soon na si Ji Soo.

Ito ang My First, First Love kung saan makakasama niya ang miyembro ng DIA na si Jung Chaeyeon.
Gaganap si Ji Soo bilang Yoon Tae Oh habang si Chaeyeon naman si Han Song Yi.

Ang My First, First Love ay kuwento ng magkaibigan na purong platonic lang ang kanilang relasyon pero makakaroon ito ng twist. Kasama rin sa bagong Netlix original na ito si Jinyoung ng B1A4.

Nakilala si Soo sa kanyang pagganap sa high school drama na Angry Mom (2015), na sinundan ng Cheer Up! (2015), Page Turner (2016), at Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo (2016).

q q q

Kumpirmado nang bibida ang Korean heartthrob na si Nam Joo Hyuk sa Netflix fantasy series na School Nurse Ahn Eun Young.

Makakasama ni Joo Hyuk ang magaling na aktres na si Jung Yu Mi. Base ang School Nurse Ahn Eun Young sa award-winning novel na may kaparehong titulo.

Kwento ito ni Ahn Eung Young (Yu Mi), isang nurse na nag-e-exorcise ng mga ghost sa nakakatawang paraan.

Gaganap naman si Joo Hyuk bilang Hong In Pyo, isang guro sa isang paaralan na may kakaibang enerhiya na nagpoprotekta sa kanya. Magtutulungan sila sa pag-exorcise ng mga masasamang espiritu.

Mapanood ang School Nurse Ahn Eun Young sa Netflix next year.

Kasalukuyang napapanood si Joo Hyuk sa Korean series na The Light in Your Eyes. Nakikala siya nang husto sa Weightlifting Fairy Kim Bok Joo (2016). Ilan pa sa mga nagawa niyang K-drama ay ang Who Are You: School 2015; Cheese in the Trap (2016); Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo (2016) at The Bride of Habaek (2017).

Napanood naman si Yu Mi sa blockbuster movie na “Train To Busan.”

Read more...