Hamon sa mga kandidato: Magdebate sa ‘Train Law’
SA MARCH 30 pa kung tutuusin officially magki-kick of ang official campaign period para sa local level.
Sa aming lugar sa Pasay City, the least the candidates can do ay mag-ikot sa mga barangay, shaking hands with the residents and giving out flyers pero walang nakasulat na “Vote.”
Tatlo hanggang apat ang magkakatunggali bilang Punongbayan sa aming siyudad, one of whom is Chet Cuneta who’s the elder brother of Sharon at anak ng dating alkaldeng si Pablo Cuneta who had served the longest mayoral term sa kasaysayan na yata ng bansa.
Once ay napadpad si Chet sa mismong kalye namin. Ang dating puting buhok niya’y kinulayan na, mas lumutang tuloy ang pagiging tisoy niya. But we never saw eye to eye.
Dalawang magkaibang lugar kung saan nakatira ang aming mga kaeskuwela ay naikutan na rin ni Chet with his partymates in tow. Sey nga ng isa sa kanila, kung hindi pa raw niya isinigaw ang pangalan ni Chet at nagpakilala, the latter wouldn’t have recognized him.
Kunsabagay, late 80s pa noong magkahiwa-hiwalay kami sa high school to pursue our college sa iba’t ibang unibersidad.
Mahina lang ang logistics ni Chet, as we told the rest of our classmates. Dapat sana’y in-identify niya ang mga kalye kung saan naroon pa rin ang kanyang mga kamag-aral, mga tubong-Pasay whose support to his mayoral bid he could tap.
Pero waley.
q q q
All eyes seem focused on the administration bets (isama na ang mga kasapi sa Hugpong ng Pagbabago) partikular na ang kanilang pag-atras na lumahok sa mga public debates.
Backing them up is no less than the Comelec which believes that such conduct has no bearing.
Ayon sa mga pabor magkaroon ng debates, baka tiklop lang ang mga kandidato identified with the administration sa pangambang hindi nila mabibigyang-katwiran ang epekto ng isinabatas na TRAIN Law ng ilang senador.
Lest we forget, independent candidate si Sen. Grace Poe na isa rin sa mga lumagda para sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Knowing Grace, who’s unfortunately aligned with neither the administration nor the opposition, sa husay niyang magsalita (her presidential campaign in 2016 as well as her Senate performance would speak for itself), she might just acquit herself sa u-sapin ng TRAIN Law.
Para kasi sa marami nating mga kababayan, the law is like Algebra being taught to kids who are beginning to learn how to count. Mahihirapan silang intindihin ang mga kapaki-pakinabang na epekto ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin given the economic conditions ng mga kababayan natin most especially the poor.
Tablado kasi sa mga botante ang mga tulad nina Sotto, A-ngara, Pimentel, Villar, Binay at Poe na nasa likod ng pabigat na batas. Why because it is something they cannot directly relate to, ergo, hindi sila ang direktang apektado nito.
Sinimulan ni Nancy ang pagiging may-akda ng kanyang libro, maano ba namang sa panahong ito when government officials are supposed to adopt economic measures ay paksain—kundi man puksain—nito ang mga dahilan ng pagkalugmok ng bansa?
Uunahin pa ba naman ni Aling Ta-cing na bumili ng kanyang libro kesa lamnan ang sikmura ng kanyang pamilya?
TRAIN Law senators? Huwag sana silang madiskaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.