Bagyong Chedeng papalapit sa Mindanao

POSIBLENG mag-land fall sa Martes ang bagyong Chedeng, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ngayong umaga, ang sentro ng bagyo ay nasa layong 980 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Ngayong umaga ito ay inaasahang may layong 510 kilometro sa silangan-timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Martes ng umaga ang bagyo ay inaasahang nasa Dugmanon, Davao Oriental at magdadala roon ng pag-ulan.

Ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 45 kilometro ang bilis at pagbugsong 60 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras patungong kanluran.

Read more...