NARAMDAMAN sa Metro Manila ang epekto ng magnitude 4.9 lindol sa Occidental Mindoro, kahapon.
Sa pagtataya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-5:58 ng hapon. Ang epicenter nito ay 22 kilometro sa bayan ng Abra de Ilog.
May lalim itong 109 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity III sa Abra de Ilog at Calatagan, Batangas.
Intensity II naman sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Quezon City; Parañaque City; Manila City at Tagaytay City.
Intensity I naman sa Paluan, Occidental Mindoro, Dolores at Mulanay sa Quezon; at Olongapo City.
READ NEXT
Bitoy direktor, aktor, produ ng ‘Family History’, ibinandera ang sariling style sa paggawa ng pelikula
MOST READ
LATEST STORIES