Bayani naging barker, wash boy sa Malabon

BAYANI AGBAYANI

NAG-TRIP down memory lane ang komedyanteng si Bayani Agbayani sa kinalakihang lugar sa Malabon sa nakaraang episode ng Magandang Buhay.

Inalala ng komedyante ang mga pinagdaang hirap at saya sa buhay noon kapiling ang kanyang mga
kapatid at ina na si Mama Mila.

Maraming taon na ang lumipas, pero binabalik-balikan pa rin pala ni Bayani ang mga kaibigan niya sa Malabon kahit sikat at mayaman na. Naging barker at tagalinis pala ng mga dyip noon si Yani.

May bagong pelikula si Bayani ngayon na ipalalabas sa March 20, ang “Pansamatagal.” For the first time ay makakatambal niya si Gelli de Belen sa romantic comedy film na idinirek ni Joven Tan.

“Ito ang pelikulang magpapakilig at magpapatawa sa inyo nang sabay. Kapag nanood kayo, sinisiguro ko na ang pansamantalang katatawanan na hatid namin ni Gelli ay magtatagal sa inyong alaala. Magaang katrabaho si Gelli dahil madali siyang kabatuhan ng mga linya,” say ni Bayani.

Ibinalita rin ni Bayani na may isa pa siyang gagawing pelikula. Ang title raw ay “Aswang Ang Nanay Ko.”

Anyway, ang “Pansamatagal” ay produced ng Horseshoe Studios to be released by Reality Entertainment and also stars DJ Chacha of MOR 101.9.

q q q

Excited pa rin ang multi-awarded actor na si Allen Dizon na nakakasama sa local film festivals ang kanyang pelikula like his latest film titled “Persons of Interest.”

Isa sa limang pelikulang nakapasok sa full-length category sa Sinag Maynila 5 ang movie directed by Ralston Jover.

“Every time na festival, local o international parang, excited ako palagi, e. Siyempre maraming mga Pilipinong makakapanood lalo na Sinag Maynila, marami na rin siyang audience. So, malaking karangalan bilang artista, bilang Pilipino na makasama ang pelikula namin,” pahayag ni Allen nu’ng makausap namin sa grand presscon ng Sinag Maynila 5 kamakailan.

Dual role si Allen sa “Persons of Interest,” and one of his characters sa movie ay isang bulag.

Nag-research talaga siya kung paano maging bulag.

“May mga bulag sa Pampanga, nagmamasahe. May mga grupo sila. Kinausap ko kung paano ‘yun, paano sila magalit, paano sila matuwa. Paano sila nakikipag-usap, nagsesermon?” sabi ng aktor.

Inamin ni Allen na nahirapan siya portraying dual roles especially ‘yung role na bulag.

This is the third time na naka-join sa Sinag Maynila si Allen. ‘Yung dalawang unang pelikula na nasali rito ay pareho siyang nanalong Best Actor.

Ang iba pang in competiton for full-length category this year ay ang “Akin Ang Korona” directed by Zig Dulay, “Jesusa” directed by Ronald Carballo, “Jino To Mari” directed by Jay Altajeros at “Pailalim” directed by Daniel Palacio.

Magsisimula ang Sinag Maynila sa April 3 at ang opening film ay ang three-part omnibus film na “Lakbayan” na idinirek nina Brillante Mendoza, Lav Diaz at ang National Artist for film na si Kidlat Tahimik.

Ang festival proper ay mag-uumpisa sa darating na April 4, sa mga sinehan sa Metro Manila.

Read more...