Angelica: Nasa tamang edad na ako para mabuntis at manganak

ANGELICA PANGANIBAN

“OO, naman! Nasa tamang edad na ako para magkaanak!”

‘Yan ang seryosong sagot ng Hugot Queen na si Angelica Panganiban nang tanungin tungkol sa tweet niya kamakailan tungkol sa wish niyang magka-baby.

Sa finale presscon ng daytime series niyang PlayHouse, sinabi ng dalaga na gusto pa rin niyang magkaroon ng sariling pamilya and eventually magbuntis at magkaanak.

“Ayoko namang mawala sa mundong ito na hindi ako nagkakaroon ng anak, so, gusto kong magkaroon ng pamilya, gusto kong magkaroon ng anak. ‘Yun ang ultimate goal,” ani Angelica.

Hirit pa ng Kapamilya actress, hindi raw siya basta nag-e-emote lang sa kanyang post, “Siguro may mga personal na pag pinaparamdam mo iyon sa social media, may gusto kang isigaw sa universe. Hindi parang ine-emote mo lang o parang inaarte mo lang.”

“So, hindi siguro magandang sabihin na emote o hugot ‘yon. Siguro hindi mo yon sasabihin para gumawa lang ng kung anong emote,” sey pa niya.

Walang dyowa ngayon si Angelica at mukhang imposible na silang magkabalikan ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino matapos masira ang kanilang relasyon dahil sa kung anu-anong issue. Aniya, mas mabuting mag-focus muna siya sa career.

“May mga bagay na ibinibigay sa ‘yo na dapat i-prioritize mo kasi siguro ito muna. Ito muna ang asikasuhin mo dahil hindi pa para sa ‘yo,” sey pa ng aktres.

Read more...