Ilang K-stars dawit sa prostitution, sex scandal, gambling, drunk driving at panunuhol

Seungri

BALOT ngayon ng kontrobersiya ang entertainment world ng South Korea sa harap naman ng pagkakaugnay ng ilang malalaking personalidad sa prostitution, sex scandal, gambling, drunk driving at panunuhol, sa pangunguna ng K-pop Big Bang member na si Seungri.

Bukod kay Seungri, dawit din sa kontrobersiya ang singer at variety show star na si Jung Joon Young, K-pop FT Island member Choi Jong Hook, miyembro ng CNBlue na si Lee Jong Hyun  at miyembro ng Highlight na si Yong Jun Hyung.

Nagsimula ang kontrobersiya nang mapaulat na nagkaroon ng assault incident sa club ni Seungri.

Iniulat din ang testimonya ng isang dating empleyado ng Burning Sun kaugnay ng video na nag-viral hinggil sa babaeng biktima ng sexual harassment sa gabi ng nangyaring assault. Sinabi rin ng empleyado na posibleng gumagamit ng droga sa mga VIP room ng club.

Ipinasara ang Burning Sun sa harap ng isinasagawang imbestigasyon ng pulisya. 

Sa ulat ng Dispatch, bago magbukas ang Burning Sun noong 2018, nag-birthday si Seungri sa Amanpulo, Palawan noong 2017 kung saan kumuha umano siya ng mga babae mula sa mga club sa Korea para i-entertain ang mga VIP guest at mga potensiyal na investor. 

Nagpetisyon naman ang fans na matanggal si Seungri sa Big Bang.

Iniimbestigahan ngayon si Seungri sa kasong paglabag sa Acts on Pimping and Prostitution and its Punishments. 

Negatibo naman si Seungri sa drug test. 

Dahil sa kontrobersiya, inihayag ni Seungri ang pagreretiro samantalang, tinanggal din siya ng YG entertainment.

Jung Joon Young

Inakusahan naman si Jung ng paga-upload ng iligal na hidden camera footage kung saan makikita siya na nakikipag-sex sa mga babae na kanyang kinunan nang hindi nalalaman ng mga biktima. Sinasabing aabot sa 10 ang naging biktima ni Jung.

Kabilang naman sa mga nadawit na kasama sa chatroom sina Yong at Lee. 

Tinanggal naman si Jung sa lahat ng kanyang variery shows kasama na ang “2 Days & 1 Night,” “Salty Tour” at “4-Wheeled Restaurant.” 

Pagkarating mula Amerika, agad na kinasuhan si Jung at pinagbawalang umalis ng bansa. 

Lee Jong Hyun  

Tumanggi namang magsalita ang miyembro ng FT Island na si Choi at miyembro ng CNBlue na si Lee na kabilang sila sa chatroom kasama sina Jung at Seungri.

Lumalabas na diskubre ang chat messages nang ipagawa ni Jung ang kanyang cellphone.

Tinanggal na si Jung sa Make Us Entertainment, gayundin si Seungri ng  YG Entertainment.

Napaulat din ginamit ng miyembro ng FT Island na si Choi ang kanyang impluwensiya sa pulisya para magpagtakpan ang kanyang drunk driving incident noong Pebrero 2016. Ibinahagi umano ni Choi sa chatroom ang kanyang paglalagay sa pulis kayat nabulgar din ito.

Yong Jun Hyung.

Inihayag naman ni Yong ang pag-alis sa K-pop group na HIGHLIGHT dahil sa pagkakadawit sa kontrobersiya.

Nahaharap si Jung sa pitong taong pagkabilanggo.

 

Read more...