Angel game na game na sumabit sa ilalim ng truck; walang double sa delikadong eksena

ANGEL LOCSIN

MARAMING pinahanga si Angel Locsin sa kanyang walang-takot na action scene sa The General’s Daughter.

A short Instagram video surfaced on the Internet which showed Angel doing a dangerous scene sa kanyang top rating teleserye.

Sa eksena ay nakasabit siya sa ilalim ng umaandar na truck. Talagang siya ang nakasabit sa ilalim ng truck and she refused to use a double.

Habang umaandar pabalik ang truck ay maririnig si Angel na may sinasabi sa kanyang director.

“Okay direk, keri! Keri direk, keri! Ay sorry, bawal pala ‘yung keri! Okay po ako direk!” say ni Angel to assure her director na kaya niyang gawin ang nasabing scene.

Action star na action star ang naging dating ni Angel sa nasabing eksena. Few celebrities would do what she did. Kung iba-ibang lead actress ‘yun, malamang ay gumamit na siya ng double.

But not Angel. She’s not an action queen for nothing. Talagang wala siyang takot na gawin ang dangerous scene basta kaya niya. With that, marami ang pumuri sa aktres.

“Nag iisa siyang action queen natin.”

“Magaling talaga si Angel Locsin sa lahat ng bagay. Action Drama Queen personified.”

“Astig ni Angel kaya dapat lang siyang tawaging Action Queen.”

“She’s very talented. She’s my idol.”

Read more...