Wish ni Alden: Sana magkaroon din ako ng linya sa pelikula na tatatak sa manonood

ALDEN RICHARDS

IDINAAN ni Maine Mendoza sa kanyang blog ang pag-amin sa pagdi-date nila ni Arjo Atayde pati na ang “meet the parents” na eksena sa pagitan ng young actor at ng mga magulang niya.

Nitong nakaraang presscon para sa digital project ni Arjo, dumaldal na naman siya tungkol sa relasyon nila ni Meng.

Eh, kasi nga ‘yung tungkol lang naman sa kanila ni Maine ang puwedeng pag-usapan sa kanya, at wala nang iba pa, huh!

Samantala, si Alden Richards naman, nakasentro ngayon sa tambalan nila sa pelikula ni Kathryn Bernardo na talaga namang mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media.

Sabi ng Pambansang Bae sa isang interview isa sa mga rason kung bakit niya tinanggap ang project bukod kay Kathryn ay ang matagal na niyang dream na maidirek ni Cathy Garcia-Molina kaya nga sobrang thankful siya sa GMA Network dahil pinayagan siyang gawin ang movie.

“A new journey for me as an actor, as an individual and pangarap ko talaga ito. Sabi ko, ‘Sana isang araw, makakabitiw rin ako ng linya na tatatak sa mga audience,’” saad ng Pambansang Bae.

Since the day na unang pumasok sa showbiz si Alden, ang bigyang-katuparan ang pangarap ng yumaong ina ang gusto niyang matupad, ang makilala nga siya bilang magaling na aktor.

Nagkaroon naman ‘yon ng katuparan dahil isa na si Alden sa most-sought after leading man ngayon sa showbiz. Bukod sa talaga namang artistahin niyang looks, magaling pa siyang umarte.

Sa ilang taon niya sa showbiz, nakapagpatayo na siya ng bahay para sa kanyang pamilya at may mga negosyo na rin. Ngayon ay ang personal growth naman niya as an actor ang kanyang pagtutuunan ng pansin.

Kahit hanggang movie at TV na lang ang tandem nila ni Maine Mendoza, may magandang bunga pa rin sa kanya ang exploration na ginagawa niya para sa growth niya as an artist.

Eh, kung choice naman ni Meng na unahin ang maging maligaya ang personal life niya, so be it.

Hindi naman kasi niya bread and butter talaga ang showbiz dahil pumasok siya rito nang nakakaluwag-luwag na sa buhay.

Samantala, nilinaw naman ng manager ni Maine na si Rams David na bakasyon lang talaga ang ipinunta ng Eat Bulaga Dabarkads sa Holy Land.

Totoong kasamang nagtungo sa Israel sina Maine at Alden with the Dabarkads pero hindi totoong doon gagawin ang Holy Week special ng EB.

Read more...