CSC: Apektado ng water crisis pwedeng hindi muna mag-uniporme
DAHIL sa kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig bansa, maaari umanong payagan ng mga hepe ng mga ahensya ang kanilang mga empleyado na huwag munang magsuot ng uniporme.
Ayon sa Civil Service Commission discretion ng mga head ng mga ahensya kung papayagan na huwag munang mag-uniporme ang kanilang mga empleyado.
Maging ang mga lider ng lokal na pamahalaan ay may otoridad na maglabas ng internal rule kaugnay ng uniporme.
“We understand that there may be employees affected by water shortage who are unable to regularly wash their office uniforms. We do not want this to become a reason for their absence from work and to eventually cause problems in productivity,” saad ng pahayag ng CSC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.