Top Pinoy boxers pararangalan sa 19th Elorde Memorial Awards

Juan Miguel “Mig” Elorde, Jerwin Ancajas at Juan Martin “Bai” Elorde.

PATULOY na mabubuhay ang pamana ni world boxing champion Gabriel “Flash” Elorde.

At bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-84 kaarawan ng yumaong boxing great, ang pamilya Elorde ay isasagawa ang 19th Elorde Memorial Awards: Banquet of Champions ngayong Marso 25 sa Okada Manila.

Tatlo sa pinakamahuhusay na boksingero ng bansa sa kasalukuyan na sina Jerwin Ancajas, Michael Dasmariñas at Vic Saludar ay pararangalan bilang “Boxers of the Year” sa event na dadaluhan ng asawa ni Elorde na si Laura at mga anak nito.

“This will be another memorable night in boxing. The whole Elorde family is very happy to celebrate and share all the blessings we have in boxing,” sabi ni Liza Elorde, asawa ng anak ni Elorde na si Johnny at pangunahing organizer ng annual awards night na nagbibigay pugay sa dating Filipino world champion na pumanaw noong 1985.

“This is our 19th year. This is our family legacy. Mahal namin lahat ang boxing, kahit na noong nawala ang aming ama (Flash Elorde) noong January 1985,” sabi pa ni Elorde, na dumalo sa “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) na ginanap National Press Club sa Intramuros, Maynila nitong Huwebes.

Kasama si Liza Elorde bilang isa sa mga special guest sa lingguhang sports forum ang asawang si Johnny at mga anak na sina Juan Miguel “Mig” Elorde at Juan Martin “Bai” Elorde, Ancajas at Joven Jimenez.

“Through this award, we want to inspire upcoming boxers to become champions. “We’re honoring champions who made good the previous year. We’re also giving awards to the best promoter, best trainer, best judge, best referee, most promising boxer, best fight and citations to our benefactors and friends who are instrumental in the development of Philippine boxing,” dagdag pa ni Elorde.

Sinabi pa ni Elorde na isasagawa rin ang “Boxing Kontra Droga” promotion ganap na alas-3 ng hapon sa Okada Manila bilang bahagi ng Elorde Awards: Banquet of Champions.

Idedepensa ni Juan Miguel Elorde ang hawak na WBO Asia-Pacific junior featherweight title kontra Shoehei Kawashima ng Japan sa main event.

Ang kapatid niyang si Juan Martin ay makakaharap naman si Rengga Rengga ng Indonesia sa isang six-round match.

Ang “Boxing Kontra Droga” promotion ay katatampukan din ng mga labanan nina Casey Morton ng USA kontra Chie Higano ng Japan (10 rounds, 112 lbs) at Anvar Turapov ng Uzbekistan laban kay Takahiko Kobayashi ng Japan (8 rounds, 140 lbs).

 

Read more...