MAAARI umanong ma-impeach si Pangulong Duterte sa paglalabas nito ng listahan ng narco-politicians na walang konkretong batayan.
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin maituturing na culpable violation of the Constitution ang ginawa ni Duterte.
“As President of the republic, Duterte’s powers are not absolute nor can he justify putting the state in order by infringing on an individual’s right to due process and presumption of innocence,” ani Villarin.
Hindi pa rin umano napatutunayan sa korte ang paratang na sangkot ang mga pinangalanan sa iligal na droga kundi batay lamang sa mga ulat ng mga tauhan ng pangulo sa kanya.
“So far, some of these elected officials on the list have been accused of grave misconduct before the Office of the Ombudsman and that no criminal complaints have been filed against them over their supposed drug links. Others have pending graft and corruption cases.”
Sinabi ni Villarin na maaaring ginagawa ang pagpapahiya sa mga politiko upang maipakita sa publiko na tagumpay ang gobyerno laban sa iligal na droga.
Ayon naman kay Magdalo Rep. Gary Alejano na inilabas ng Malacanang ang narco-list upang pagtakpan ang palpak na war on drugs nito.
“Para tayong nasa narcoserye na ang pabida ay ang Pangulo. Paulit-ulit lamang ang mga patutsada, maglalabas ng mga pangalan, magkakaroon ng susunod na kabanata pero wala namang nakukulong. Let us not fall into their propaganda. This is a desperate act to save their fake drug war before the eyes of the public,” ani Alejano.
Hindi umano matitigil ang problema hangga’t patuloy ang pagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.